Maganda Ako Kasi Anak Ako Ni Marlon

Hi Papa, Happy 48th Birthday. Mahal na mahal ka ni Ate :’) 

Sana hindi ako umiyak habang tinatype ko to. Oh I wish. Oh Eto na. Papa, ang tanda mo na! Haha. Pero syempre gwapo ka pa rin!! Sana nakapagcelebrate tayo ng mas bongga kasi you deserve it, sobra! Yun nga lang badtrip ang bulsa natin at ang panahon pati ang pigsa mo sa ilong at sakit ng ulo mo! Hindi sila nakisama, diba? Oh well papel, even though we don’t have much, as long as you have us, I think that’s enough diba? Sabi mo nga ang importante naman “buhay ka”. And I absolutely agree to that, “Tammuuuh, ang importante buhay ka, super alive and kicking!.” Sabi nga ni Ogie Diaz: “Every gising is a blessing” Oha diba, meaning may purpose kapa dito!

I’ve been trying to think of something na masusurpise sayo, pero I don’t know why and it really frustrates me na I couldn’t come up with any Idea. Parang siguro kahit anong gawin ko, hindi ko naman masusuklian ang ginawa mo para sa akin. Pa, salamat ha, salamat sa lahat. Salamat sa buhay, salamat sa mga ugaling minana ko sayo, salamat sa lahat ng pangaral mo, salamat sa lahat ng payo mo,  salamat sa sama ng luob, salamat sa pagmamahal, salamat dahil binigyan mo ako ng sobrang bait na mama at sobrang ideal na pamilya at barkada, salamat sayo, salamat dahil Ikaw yan, ang tatay ko.  Alam ko, kulang pa to. Alam ko hindi matutumbasan ng “salamat lang” lahat ng sinakripisyo mo para sa amin.

Alam ko hindi ka perpekto, at ako rin pero tandaan mo maganda ako. Chos. Seryoso na nga. Alam ko marami tayong pagkukulang sa isa’t isa. Few years ago na nga lang ng magkaruon tayo ng totoong father-daughter-relationship. Madaming taon ang nasayang, pero diba nga “better late than never”. Salamat napadpad tayo dito. Sabi nga ni Fr. Alfred, “May plano ang Diyos” At ang bongga ng plano niya pa, kasi ngayon hindi lang tayo mag-ama, magkaibigan pa, magkabarkada pa! Pero gusto ko lang po mag-sorry sa lahat ng beses na pina-init ko ang ulo niyo. In fairness naman hindi matigas ang ulo ko =p.  Kaya sana wish ko hindi naman marami yung kasalanan ko. Basta someday, I’ll make you and mama proud 🙂

Pero alam mo Pa, alam ko na kulang pa eh. Na pwede pa tayong mas maging close! Ang dami ko ngang nasayang na pagkakataon eh. Ang daming beses ko pinalano na iparamdam sayo na mahal kita, na mhalaga ka, na minsan sayo ako boto kaysa kay mama haha. Pero alam mo naman, mahiyain ako. Echos. Pero Pa, na-aappreciate ko yung ginagawa mo. Kung pwede nga lang, wag na kayo mag-work ni mama eh, magaround the Philippines nalang tayo! Pero syempre kailangan pa natin mag-ipon! Yaan mo konting tiis nalang. Mabait naman si God 🙂

Alam ko dapat mas napasaya ka namin ngayon eh, pero it turns out na parang ordinary na araw lang to. I may not have given you the most sophisticated gift, but I can offer you something that is bigger than anything –prayer.

Pa, I pray for God to bless you beyond your hopes and imaginations. I pray for your health, your heart and your mind. I pray for Him to take all your worries away. I pray for God to lead you in every step that you make.  Just keep the Faith Pop! Pagpatuloy mo lang yan! Alam mo na yon! And I pray din na sana wag ka magsasawa na patawanin kame araw araw–Ikaw ang clown namin eh.And sana maraming maraming birthdays pa ang icecelebrate natin!!

Wala namang perpektong tao, lahat tayo magkakamali at magkakamali. But I just want you to know,so far, you’ve done a great job…as a father and as a husband. Mabuti kang tatay, mabuti kang ama, mabuti kang tao. (: Hindi ako magiging ako, kung wala ang tatay kong Gwapo, Diba? 😉

And before I forgot, salamat Pa,sa pag-acknowledge na maganda ako kasi anak mo ako! Atleast, alam ko na ngayon, pwede ko na sabihin, magkamuka tayo! HAHAHHAHAHAHAHA.

I LOVE YOU, PA! MAGKASAMA TAYONG TUMANDA NG EUQORS! MAHAL NA MAHAL KA NI ATE! 

Leave a comment